The Unbearable Lightness of Being
Milan Kundera
Paano nagkakaroon ng weight o bigat ang buhay kung walang eternal return?
Dahil hindi nag-uulit ang kasaysayan, walang natitiyak na bagay. Nagiging magaan ang buhay. Ngunit, kapag tayo’y nakararanas ng pag-ibig, nagkakaroon tayo ng pananagutan sa iba. Nagkakaroon ng bigat at saysay ang buhay.
(basehan ng larawang iginuhit: http://taylorhage.com/2011/05/10/a-heavy-heart/)
Ayon sa blogger na nag-post ng larawang pinagbasehan ko sa pagguhit ng larawang ito, “My heart is heavy, but at least it’s beating.” Ang pag-ibig ang bumubuhay sa tao. Mabigat man at minsa’y nakararanas ng sakit, ang puso’y dapat bitbitin, o hilahin pa kung kinakailangan, sa paghahanap sa kahulugan ng buhay. Hindi madaling bagay ang paghahanap sa kahulugang ito. Kung walang pusong binibitbit o hinihila, nawawalan ng kahirapan ang “paghahanap” na ito. Kung walang hirap, walang matutuklas na kahulugan. Kung walang kahulugan, mananatiling magaan ang buhay.
(Paumanhin sa ‘di-gaanong malikhaing pagguhit ng mga larawan. :) )