Monday, March 11, 2013

Pagsasanay 13


Isa sa mga hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino ang pangangaso. Bago pa man nagkaroon ng kahalagahan ang agrikultura, ang pangangaso ang pangunahing pinanggalingan ng kabuhayan ng ating mga ninuno.

Bukod dito, kahoy ang isa sa mga naunang naging materyales ng iba't ibang kagamitan. Para sa mga Pilipino, mga naninirahan sa bayang punong-puno ng likas na kayamanan, napakalaki ng papel ng kalikasan sa hanapbuhay. Hanggang sa kasalukuyan, ang punongkahoy ay ang isa sa mga pinanggagalingan ng marami sa ating mga kagamitan. Subalit, mas mahalaga ang naging papel ng punongkahoy para sa mga sinaunang Pilipinong namuhay bago pa magkaroon ng rebolusiyon sa industriya at agrikultura. Marami sa mga kagamitang gawa sa kahoy ng mga sinaunang Pilipino ang mga sibat sa pangangaso. Bukod sa pangangaso, marami rin sa mga kagamitang pamproteksiyon, o self-defense, ng mga sinaunang Pilipino ang gawa sa kahoy.

Maaaring ang kahalagahan ng pangangaso, proteksiyon, at kalikasan ang dahilan kung bakit may isang salitang sinaunang Tagalog na may kahulugang may kinalaman sa kalikasan at armas - abobor.

ABOBOR
a-bó-bor png. [ST] 1: likod ng maliit na patalim o punyal 2: kaloob-looban ng puno ng kahoy.

Posibleng abobor ang naging tawag sa mga kahoy na sibat at armas ng mga sinaunang Pilipinong mangangaso.


Saturday, March 9, 2013

Putol


Sa maraming pagkakataon, mas madaling maunawaan ang isang teksto kapag may larawan. Mas naaakit ang teknolohikal na henerasyon sa mga biswal na presentasyon.

Gamit ang tulang "Putol" ni Ginoong Michael M. Coroza, gumawa ako ng maikling video animation bilang interpretasyon sa tulang ito.



Putol
Michael M. Coroza

May kanang paang
                                        putol
sa tambakan
ng basura.
Naka-Nike.

Dinampot
ng basurero.
Kumatas
ang dugo.

Umiling-iling
ang basurero't
bumulong, "Sayang,
wala na namang kapares."



Tulad ng tula, putol-putol ang paggawa ko sa presentasyong ito. Hinati ko ang tula sa iilang mga bahaging may isa o dalawang taludtod (hal. unang bahagi: May kanang paang putol; ikalawang bahagi: sa tambakan ng basura). Ang bawat bahagi'y inilarawan ko gamit ang animation, at ipinagdugtong na lamang sa pag-edit ng video. Bagama't putol-putol ang pag-animate ko sa bawat bahagi, ang pagdugtong naman sa mga ito ang nagbigay ng kahulugan sa animation. Ipinapakita nito na ang mga ideyang putol-putol o maliliit na bahagi lamang ay maaaring magkaroon ng diwa kapag pinagsama-sama ang mga ito.


Sanggunian (mga larawang ginamit):


Friday, February 22, 2013

Tele-tula


Gamit ang mga pamagat ng mga teleseryeng pinalabas, pinapalabas, at ipapalabas sa ABS-CBN, bumuo ako ng apat na tulang binubuo lamang ng mga salitang galing sa mga pamagat na ito. Kasama rin sa blog na ito ang listahan ng mga pamagat na ginamit ko. (Naka-bold ang mga salitang ginamit ko sa mga tula.)

Tanaga: (7 na pantig, 4 na taludtod, tugma sa titik I, malakas na katinig sa dulo ng bawat taludtod)
Sana'y minsan maulit,
Kahit sa isang saglit,
Tanging walang kapalit,
Hiwaga ng pag-ibig.

Dalit: (8 na pantig, 4 na taludtod, tugmang may impit sa titik O)
Kung tayo'y magkakalayo,
Sa dulo pa man ng yugto,
Iingatan ang pangako,
Ng nagmamahal na puso.

Diona: (7 na pantig, 3 na taludtod, tugma sa titik A, mahinang katinig sa dulo ng bawat taludtod)
Kay tagal na hinintay,
Pagbabalik ng buhay,
Sa piling ng nagmahal.

6x6: (6 na pantig, 6 na taludtod, ABABAB na rhyme scheme - taludtod 1, 3, 5 - tugma sa titik A, malakas na katinig sa dulo ng bawat taludtod; taludtod 2, 4, 6 - tugma sa titik A)
May isang pangarap
Ang batang prinsesa
Na para sa palad
Ng ama at ina.
'Pagkat walang bukas
Kapag walang mana.

Mga pamagat ng mga teleseryeng ginamit:
(Blue - Tanaga, Red - Dalit, Green - Diona, Orange - 6x6)
Angelito: Ang Bagong Yugto
Angelito: Batang Ama
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
Gulong Ng Palad
Habang May Buhay
Hiwaga Sa Bahay Na Bato
Ina, Kapatid, Anak
Isabel, Sugo Ng Birhen
Kahit Isang Saglit
Kay Tagal Kang Hinintay
Kung Tayo'y Magkakalayo
Larawan Ng Pag-ibig
Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik
May Isang Pangarap
Mga Anghel Na Walang Langit
Minsan Lang Kita Iibigin
Nagmamahal Pa Rin Sa Iyo
Pagkat Sa'yo Lamang
Palimos Ng Pag-ibig
Pangako Sa'yo
Precious Hearts Romances Presents: Lumang Piso Para Sa Puso
Precious Hearts Romances Presents: Mana Po
Prinsesa Ng Banyera
Sa Dulo Ng Walang Hanggan
Sa Piling Mo
Sa Puso Ko Iingatan Ka
Sana Maulit Muli
Sana'y Wala Nang Wakas
Sta. Zita At Si Mary Rose
Tanging Yaman
Walang Kapalit
Your Song Presents: Kapag Ako Ay Nagmahal



Friday, February 15, 2013

Erasure Univocalism


Dalawa sa mga naging pagsasanay sa klase ang Erasure Poetry at Univocalism. Pinagsama ko ang dalawang pagsasanay na iyon sa blog na ito. Gamit ang maikling kuwentong "Paputian ng Laba" ni Ginoong Allan Derain, bumuo ako ng isang maikling sanaysay na may univocalism sa titik A. Hindi kagaya ng pagsasanay sa erasure poetry, hindi ko kinailangang pumili ng mga salitang nagsisimula sa malaking titik para sa simula ng mga pangungusap sa aking sanaysay dahil kaunti lang ang mga salitang aking pinagpilian. Sa halip, sa pag-eedit ko na lang inayos ang format ng mga pangungusap (malaking titik para sa unang titik ng unang salita ng bawat pangungusap, bantas, atbp.). Kasama rin sa blog na ito ang mga imahen ng mga bahagi ng kuwentong ginamit ko para sa aking sanaysay.

Wagas ang kapalaran ng batang nangangarap at may dasal. Wagas ang mga nakaapak sa daan ng saysay. Walang batas na mas mahal pa sa kapalaran. Dapat masdan ang nagagawa ng pantay-pantay na patakaran para sa lahat. Walang kasalanan ang mga kabataang nangangarap. Habang may pangarap, may pag-asa. Napakaganda ng tadhanang sapat sa bata kapag nangangarap.


pahina 66

pahina 67

pahina 68

pahina 69

pahina 71

pahina 73

pahina 75

pahina 76

pahina 77

pahina 78

pahina 79

pahina 80

pahina 81

pahina 82














Wednesday, January 30, 2013

Unang Blog para sa Fil12: Bigat ng Pag-ibig


The Unbearable Lightness of Being
Milan Kundera
image
Paano nagkakaroon ng weight o bigat ang buhay kung walang eternal return?


image
Dahil hindi nag-uulit ang kasaysayan, walang natitiyak na bagay. Nagiging magaan ang buhay. Ngunit, kapag tayo’y nakararanas ng pag-ibig, nagkakaroon tayo ng pananagutan sa iba. Nagkakaroon ng bigat at saysay ang buhay.


image
(basehan ng larawang iginuhit: http://taylorhage.com/2011/05/10/a-heavy-heart/)
Ayon sa blogger na nag-post ng larawang pinagbasehan ko sa pagguhit ng larawang ito, “My heart is heavy, but at least it’s beating.” Ang pag-ibig ang bumubuhay sa tao. Mabigat man at minsa’y nakararanas ng sakit, ang puso’y dapat bitbitin, o hilahin pa kung kinakailangan, sa paghahanap sa kahulugan ng buhay. Hindi madaling bagay ang paghahanap sa kahulugang ito. Kung walang pusong binibitbit o hinihila, nawawalan ng kahirapan ang “paghahanap” na ito. Kung walang hirap, walang matutuklas na kahulugan. Kung walang kahulugan, mananatiling magaan ang buhay.
(Paumanhin sa ‘di-gaanong malikhaing pagguhit ng mga larawan. :) )