Friday, February 22, 2013

Tele-tula


Gamit ang mga pamagat ng mga teleseryeng pinalabas, pinapalabas, at ipapalabas sa ABS-CBN, bumuo ako ng apat na tulang binubuo lamang ng mga salitang galing sa mga pamagat na ito. Kasama rin sa blog na ito ang listahan ng mga pamagat na ginamit ko. (Naka-bold ang mga salitang ginamit ko sa mga tula.)

Tanaga: (7 na pantig, 4 na taludtod, tugma sa titik I, malakas na katinig sa dulo ng bawat taludtod)
Sana'y minsan maulit,
Kahit sa isang saglit,
Tanging walang kapalit,
Hiwaga ng pag-ibig.

Dalit: (8 na pantig, 4 na taludtod, tugmang may impit sa titik O)
Kung tayo'y magkakalayo,
Sa dulo pa man ng yugto,
Iingatan ang pangako,
Ng nagmamahal na puso.

Diona: (7 na pantig, 3 na taludtod, tugma sa titik A, mahinang katinig sa dulo ng bawat taludtod)
Kay tagal na hinintay,
Pagbabalik ng buhay,
Sa piling ng nagmahal.

6x6: (6 na pantig, 6 na taludtod, ABABAB na rhyme scheme - taludtod 1, 3, 5 - tugma sa titik A, malakas na katinig sa dulo ng bawat taludtod; taludtod 2, 4, 6 - tugma sa titik A)
May isang pangarap
Ang batang prinsesa
Na para sa palad
Ng ama at ina.
'Pagkat walang bukas
Kapag walang mana.

Mga pamagat ng mga teleseryeng ginamit:
(Blue - Tanaga, Red - Dalit, Green - Diona, Orange - 6x6)
Angelito: Ang Bagong Yugto
Angelito: Batang Ama
Bukas Na Lang Kita Mamahalin
Gulong Ng Palad
Habang May Buhay
Hiwaga Sa Bahay Na Bato
Ina, Kapatid, Anak
Isabel, Sugo Ng Birhen
Kahit Isang Saglit
Kay Tagal Kang Hinintay
Kung Tayo'y Magkakalayo
Larawan Ng Pag-ibig
Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik
May Isang Pangarap
Mga Anghel Na Walang Langit
Minsan Lang Kita Iibigin
Nagmamahal Pa Rin Sa Iyo
Pagkat Sa'yo Lamang
Palimos Ng Pag-ibig
Pangako Sa'yo
Precious Hearts Romances Presents: Lumang Piso Para Sa Puso
Precious Hearts Romances Presents: Mana Po
Prinsesa Ng Banyera
Sa Dulo Ng Walang Hanggan
Sa Piling Mo
Sa Puso Ko Iingatan Ka
Sana Maulit Muli
Sana'y Wala Nang Wakas
Sta. Zita At Si Mary Rose
Tanging Yaman
Walang Kapalit
Your Song Presents: Kapag Ako Ay Nagmahal



Friday, February 15, 2013

Erasure Univocalism


Dalawa sa mga naging pagsasanay sa klase ang Erasure Poetry at Univocalism. Pinagsama ko ang dalawang pagsasanay na iyon sa blog na ito. Gamit ang maikling kuwentong "Paputian ng Laba" ni Ginoong Allan Derain, bumuo ako ng isang maikling sanaysay na may univocalism sa titik A. Hindi kagaya ng pagsasanay sa erasure poetry, hindi ko kinailangang pumili ng mga salitang nagsisimula sa malaking titik para sa simula ng mga pangungusap sa aking sanaysay dahil kaunti lang ang mga salitang aking pinagpilian. Sa halip, sa pag-eedit ko na lang inayos ang format ng mga pangungusap (malaking titik para sa unang titik ng unang salita ng bawat pangungusap, bantas, atbp.). Kasama rin sa blog na ito ang mga imahen ng mga bahagi ng kuwentong ginamit ko para sa aking sanaysay.

Wagas ang kapalaran ng batang nangangarap at may dasal. Wagas ang mga nakaapak sa daan ng saysay. Walang batas na mas mahal pa sa kapalaran. Dapat masdan ang nagagawa ng pantay-pantay na patakaran para sa lahat. Walang kasalanan ang mga kabataang nangangarap. Habang may pangarap, may pag-asa. Napakaganda ng tadhanang sapat sa bata kapag nangangarap.


pahina 66

pahina 67

pahina 68

pahina 69

pahina 71

pahina 73

pahina 75

pahina 76

pahina 77

pahina 78

pahina 79

pahina 80

pahina 81

pahina 82